16

Oct 14, 2020 @ 15:43
By

Mag-utol nagkabit ng internet device, nangisay sa kuryente

Nasawi ang dalawang magkapatid matapos makuryente habang nagkakabit ng internet device para sa online class sa bayan ng Dimiao, Bohol kahapon.

Kinilala ni Dimiao Police Station desk officer Police Staff Sergeant Anselmo Nayve ang mga biktimang sina Tristian Dexter Namoco Hamlag, 26; at Christian Val Hamlag, 20, kapwa residente ng Barangay Limokon Ilaod, Dimiao.

Ayon sa ulat, tinulungan ni Tristian si Christian na maglagay ng internet device para mapalakas ang koneksyon ng internet para sa online class ng nakababatang kapatid dakong alas-5:30 ng hapon noong October 13.

Pero aksidenteng nahulog ang antenna at tumama sa poste ng kuryente malapit sa kanilang bahay.

Kapwa namatay noon din ang magkapatid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?