73

Sep 8, 2018 @ 13:42
By

Mag-utol na sabungero, niratrat ng riding-in-tandem

Tinadtad ng bala ang dalawang magkapatid pagkaalis mula sa isang sabungan ng riding-in-tandem sa Barangay Tabok, Mandaue City.

Batay sa imbestigasyon ng Jagobiao Police Station, posibleng may pinagkakautangan ang mga biktima o kaya ay may nakaaway ang dalawa sa sabungan kaya nagawang tambangan sina Wendel Alilin, dating kagawad ng barangay at ang kapatid nitong si Bryan, kapwa nasa hustong gulang.

Ayon sa report, galing ng sabungan ang magkapatid at pauwi na ng kanilang bahay sakay ng kanilang motorsiklo nang tambangan ng mga hindi pa nakikilanang suspek na nakasakay din ng isang motorsiklo.

Kasalukuyang inaalam ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaslang sa magkapatid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?