10

Apr 4, 2021 @ 15:01

Mag-utol na Nagano bigo sa Qualifying

Kambal na kabiguan ang nalasap ng magkapatid na sina Shugen at Keisei Nagano sa kanilang pagsabak sa isa sa mga natitirang Olympic Qualifying tournament ng sports na Judo sa nagtapos kahapon na 2021 IJF World Judo Tour sa Anlalya, Turkey.

Nakakuha ng bye sa kanyang dibisyon si Shugen sa men’s -66kg upang umusad sa Round of 16 bago na lamang ito nabigo kay Sagyngaliuly Bauyrzhan ng Kazakhstan sa Pool A.

Agad din na nabigo sa una nitong kalaban si Keisei sa Pool B ng Men’s -73kg kontra Halil Cimen ng Turkey upang agad na magpaalam sa tsansa na makapagkuwalipika sa nalalapit na 2020 Tokyo Summer Games.

Kabuuang 91 bansa na may 432 kalahok na binubuo ng 263 kalalakihan at 169 kababaihan ang sumabak sa torneo na ginanap simula Abril 1 hanggang 3. (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?