219

Dec 14, 2017 @ 9:30
By

Mag-utol na Luardo wagi sa 5k fun run

Pinagsaluhan ng mag-utol na Carlo at Princess Niña Luardo ang mga karangalan sa kahaharurot na Araw ng Barangay Langub 5K Fun Run na nilatag sa Langub Elementary School sa Asturias, Cebu.

Kapwa kasapi ng Run Out Of Poverty at nakatakdang lumaban sa Davao Regional Athletic Association, nagkaripas ang 15-anyos at estudyante ng Maa Elementary School na si Carlo ng personal best time na 14 na minuto’t 54 na segundo sa pag-angkin sa titulo sa boy’s division.

Nagtakbo naman ang 12-taong gulang na atleta’t mag-aaral ng LES na si Princes Niña ng 23:37 sa pamamayagpag sa girl’s side sa karepasang nagsilbing prerparasyon nila sa 2018 DAVRAA Meet sa darating na Pebrero.

Ayon kay Coach Eustaquio Savellano nitong Linggo, nadiskubre ang magkapatid nina Aussie Olympian Tony Benson at kasamang coach Peter McCormack noong isang taon nang bumisita sa Cebu City ang mga ito.

Hinirit ng Triathlon Association of the Philippines board member at Minadanao representative Savellano, na hinimok ng dalawang kasapi ng Australian Track and Field Coaches Association ang Luardo siublings na magtatakbo upang makaahon sa kahirapan.

Si Savellano ang gumabay sa dalawang Australiano habang nasa Cebu kaya hanggang ngayo’y may kaugnayan pa kina Benson at McCormack sa internet at nagkakaloob sa kanya ng coaching tips. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?