8
swimming
By

Mag-utol na Dagum, ‘petmalu’ sa languyan

Sharing is caring!

Kakaiba sa ibang mga kabataan na nahihilig sa iba’t ibang nauusong gadgets, mas gusto ng magkapatid na Kevin Troy at Lean Ysidore Dagum ng Koronadal City ang mag-bonding at magpaligsahan sa swimming.

Hindi pinalampas ng 18-anyos na si Kevin Troy at nakababatang kapatid na 17-anyos na si Lean Ysidore ang pagkakataong makalahok sa ginaganap na 2018 Philippine National Games (PNG) upang makapagsanay at maipagpatuloy ang pagtulong sa kanilang mga magulang.

“Gusto po namin na makatulong kami sa mga magulang namin kasi may scholarship po kami nakukuha mula sa pagiging varsity swimmer,” sabi ni Kevin Troy, na dating miyembro ng National University swimming team bago lumipat sa darating na pasukan sa Hunyo sa University of Santo Tomas (UST).

“Hindi po namin inaasahan na magiging varsity swimmer kami kasi po nag-outing kami noon kasama sina papa at mama tapos may lumapit sa amin at inalok kami para isali sa swimming team. Sumali po kami dahil alam po namin na makakatulong kami sa magulang namin,” sabi naman ni Lean Ysidore na mula sa Koronadal National High School ay kinuha ng University of San Beda sa nalalapit na pasukan.

Kapwa nakapagwagi ng gintong medalya ang magkapatid na Dagum, na isinilang sa Conel, South Cotabato kung saan ang ina na si Lina at ama na si Isidro ay guro sa isang eskuwelahan.

Sinungkit ni Lean Ysidore, na nakatuntong sa finals ng 2018 Vigan Palaro, ang ginto sa boys 100m butterfly, habang si Kevin Troy, na nagwagi ng 1 pilak sa relay at 2 tanso sa 100m at 200m backstroke sa nakalipas na UAAP, ay nagwagi sa boys over 16 200m backstroke.

“Bonding na din po sa aming magkapatid na magkasama sa ganitong tournament dahil mayoon pinagkakaabalahan kami at nakakapaghanda pa din kami para sa pagdating ng pasukan,” sabi ng magkapatid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?