55

Jan 21, 2020 @ 17:32
By

Mag-partner tinodas sa loob ng bahay

Patay ang mag-live-in partner matapos pasukin ng dalawang hindi pa kilalang armadong lalaki ang bahay ng mga ito at pagbabarilin, Lunes ng gabi sa Sorsogon City, Sorsogon.

Pawang dead on the spot matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Lawrex Roy Tina Marinda, tricycle driver, at Moriel Barsaga Sola, pawang nasa hustong gulang at residente ng Sitio San Lorenzo, Barangay Bibincahan ng nasabing lungsod.

Samantala, mabilis na umalis ang dalawang hindi pa kilalang suspek na pawang naglakad lang palayo ng bahay ng mga biktima.

Sa inisyal na ulat ng Sorsogon City Police Office, naganap ang insidente dakong alas-6:50 ng gabi, Enero 20, sa loob ng bahay ng mag-live-in partner.

Nagpapahinga noon ang mga biktima nang pasukin sila ng mga suspek at agad pagbabarilin, at nang masigurong wala nang buhay ang mga ito ay saka lang iniwan ng mga salarin.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?