1,557

Apr 7, 2020 @ 16:35
By

Mag pag-asa kaya? Tarlac Mayor Tesoro nag-comment kay Vico

Palakasan ng mayor ngayon sa iba’t ibang lungsod sa Pilipinas!

Nariyan si Manila Mayor Isko Moreno na talagang ipinagmamalaki ng mga Manilenyo.

Bukod sa gwapings, eh napakabuting alkalde sa kanyang mga nasasakupan.

Pero hindi naman papatalo ang Pasig sa kanilang handsome millennial mayor na si Vico Sotto na napakabait din na pinuno sa kanyang mga nasasakupan.

Isa rin na pini-flex ngayon at nali-link naman kay Pasig Mayor Vico ay si San Manuel, Tarlac Mayor Donya Tesoro.

Millennial din at bukod pa sa mahusay na lider ay bonus ang mala-dyosang kagandahan nito.

Kaya sa unang pagkakataon, nagkaroon ng ekslusibong panayam ang Abante Radyo Tabloidista kay Donya Tesoro.

Nang tanungin ang mayora kung ano ang masasabi niya sa pagkaka-link kay Pasig Mayor Vico, “I think parehas kaming no time for love?” ang sagot niya.

Aniya, kapwa public service ang priority nilang dalawa ni Mayor Vico.

At binunyag din ni Mayor Donya na magkaklase pala sila noon ni Mayor Vico sa Ateneo School of Government!

So nagtagpo na rin pala sila ng landas noon.

Ayon pa kay Mayor Tesoro, magkaiba sila ng batch pero sabay silang grumadweyt.

Paglilinaw niya, hindi sila gaanong nagkakausap ng Pasig Mayor pero dinescribe niya pa ito na kilala niya sa pagiging matalinong tao.

“Si Vico talaga has always been the smart guy,” sambit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?