95
Habang natutulog, konsehal binaril sa Negros Occidental
Oct 25, 2019 @ 20:53
By

Mag-live in tinodas sa loob ng bahay

Kapwa nasawi ang mag-live in partner nang pagbabarilin sa loob ng inuupahan nilang bahay nitong Biyernes ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang mga biktimang si Jerry Carino Sr., 47, at ka-live in niyang si Meldy Amparo, 41, naninirahan sa Bautista Compound, Barangay Alabang ng nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon nina Police SMSgt. Arthur Cortez at P/SMSgt. Mark Sherwin Forasiero ng Muntinlupa City Police, nasa loob ng kanilang inuupahang silid ang mga biktima nang puwersahang pumasok ala-1:15 ng madaling-araw ang mga salarin at kaagad na pinagbabaril ang mag-live in.

Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa hindi nabatid na lugar.

Ayon sa testigong si Maribel dela Cruz, 36, nakarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril at nang lumabas siya upang alamin, nakita niya ang dalawang biktima na kapwa duguang nakahandusay sa loob ng kanilang tirahan.

Narekober ng SOCO ng Southern Police District sa crime scene ang tig-tatlong basyo ng kalibre .45 at kalibre .9mm na baril, limang plastic sachet na may bakas ng shabu, ilang piraso ng bala ng kalibre .38 at iba’t ibang drug paraphernalia.

Naniniwala ang pulisya na may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay sa mga biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?