134

Aug 8, 2019 @ 15:52
By

Mag-live in timbog sa pambubugaw ng mga bata

Nasakote ang isang 18-anyos na babae at partner nitong 28-anyos matapos maaktuhang ibinubugaw ang dalawang menor de edad na lalaki online sa Naval, Biliran noong Martes.

Nahuli ang mga suspek sa loob ng isang hotel room kung saan nila dinala ang dalawang 14-anyos na lalaki.

Maliban sa dalawang lalaki, isang 15-anyos na babae at dalawang anak na bata ng mag-live in ang nasa hotel room.

Susuriin ang mga anak ng dalawang suspek, na isang 2-buwang gulang na sanggol at isang 1-anyos na lalaki, kung biktima rin ang mga ito ng cybersex.

Itinurn-over na ang mga biktima sa Department of Social Welfare and Development.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?