45

Jan 30, 2020 @ 12:46
By

Mag-live in partner tandem din sa pagnanakaw

Arestado matapos makuhanan sa CCTV ang pagnanakaw ng mag live-in partner ng mga body spray sa isang convenience store sa Talavera, Nueva Ecija noong Miyerkoles.

Kinilala ng Talavera Police Station (TPS) ang mag live-in partner na sina Ramlee Augnas at Melita Augnas, parehong taga-nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ayon sa TPS, nakita sa CCTV ang mga suspek ay pumasok sa isang convenient store at nagpanggap na mga customer.

Lingid sa kaalaman ng mag-asawa, mayroon pa lang mga CCTV ang nasabing tindahan kung kaya’t huling-huli sila sa kanilang pagpustlit ng mga body spray.

Base sa report ng TPS, lumabas sa video na si Ramlee ay kumuha ng mga body spray at isinuksok sa bulsa ng kanyang backpack at hindi pa nakuntento, bumalik pa siya para kumuha ulit ng paninda.

Nang arestuhin, nakuha sa mga ito ang ninakaw na body spray, dito din nakuhanan ang mga suspek ng walong small plastic sachet na nalalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Agad na dinala ang mga suspek sa TPS na hindi na nagbigay ng kanilang pahayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?