113

Jun 18, 2020 @ 22:14

Mag-live in na bagong salta binistay

Patay ang dalawang mag-live in partner nang puwersahang pasukin at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa inuupahan nilang bahay sa Caloocan City kamakalawa.

Nagtamo ng tama ng baril sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Alfie Hingabay at Mona Zafe, kapwa nasa hustong gulang, at dalawang buwan pa lang umano na nangungupahan sa Brgy. 176, Bagong Silang.

Ayon sa may-ari ng inuupahang bahay ng mag-live-in, ala-una ng madaling araw nang makarinig siya nang nagpupukpok ng martilyo sa bahay ng dalawa. Nang sumilip ang ginang sa bintana, nakita nito na winawasak ng dalawang suspek ang pinto ng bahay at sunud-sunod na putok ng baril ang kanyang narinig.

Nabatid ng pulisya na dati nang nakulong si Hangibay dahil sa kasong murder. Inaalam naman ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay sa mag-live-in partner. (Orlan Linde)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?