50

Jan 26, 2021 @ 18:30
By

Mag-jowa pinaliguan ng bala sa Capiz

Patay sa pamamaril ang mag-live-in partner sa Sigma, Capiz kaninang umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Rodrigo Nepomuceno at Rondalia Sarona na kapwang taga-barangay Mianay ng naturang munisipalidad.

Ayon sa ulat, nakarinig ng sunod-dunod na putok ng baril ang mga residente ng nasabing lugar pasado alas-7 ng umaga.

Doon na nila nakita ang dalawa na duguan at wala ng malay sa loob ng kanilang tindahan.

Anang mga residente, isang Toyota Innova ang namataan nilang humarurot matapos ang krimen.

Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon na ng kaso ang dalawa na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Kasalukuyan nang tinutugis ng kapulisan ang mga salarin at ang motibo nito sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?