171

Oct 7, 2017 @ 15:31

Mag-ingat sa 10 food supplement – FDA

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa mga hindi rehistradong food supplement.

Sa pinakabagong advisory na inilabas ng ahensya, partikular na pinag-iingat nito ang publiko sa mga sumusunod:

Ampalaya Capsules;
Ashitaba Food Supplement;
Banaba Capsules;
Banaba Food Supplement;
Bignay Capsules;
Lagundi Capsules;
Natural Herb Lagundi Food Supplement;
Sambong Capsules;
Natural Herb Spirulina Food Supplement at
Taheebo Capsules

Lumabas umano sa FDA post-marketing surveillance activities na ang nabanggit na mga food supplement ay hindi pa dumadaan sa registration.

Dahil hindi umano rehistrado, nangangahulugan din na hindi dumaan ang mga produkto sa pagsusuri ng FDA kaya hindi rin makatitiyak ang publiko sa kalidad at kaligtasan ng mga nasabing food supplement.

“The consumption of such violative products may pose potential health hazard to the consuming public,” babala ng FDA.

Kasabay nito, binalaan din ng FDA ang lahat ng mga establisimyento laban sa pamamahagi at pagbebenta ng mga nasabing produkto.

Pinakikilos din ng ahensya ang lahat ng mga lokal na pamahaalan at mga law enforcement agency na tiyaking hindi naibebenta sa kanilang hurisdiksyon ang mga hindi rehistradong food supplement. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?