12

By

Mag-inang Petilla lusot sa fertilizer fund scam cases

Sharing is caring!

Ibinasura na ng Sandiganbayan 4th Division ang mga kasong katiwalian ni dating Energy Sec. Jericho Petilla at nanay nito na si Palo, Leyte Mayor Remedios Petilla.

Ito ay sa dahilang inabot umano ng tatlong taon ang Ombudsman para maihain ang mga kaso laban sa mag-ina.

Sa kanilang motions to dismiss, iginiit ng mag-ina na masyado nang matagal bago naisampa ang kaso mula nang maitatag ang Task Force Abono, na siyang naatasang mag-imbestiga sa fertilizer fund scam noong 2006.

Batay sa kasong isinampa ng Ombudsman, pumasok sa P3.131 milyong kontrata sa Castle Rock si Remedios para sa pagbili ng 350 galon ng liquid fertilizer noong gobernadora pa ito ng Leyte, habang si Jericho ang sumunod sa kanyang opisyal ay bumili rin ng panibagong 350 galon noong 2004 na nagkakahalaga ng P1.686 milyon pero nakitaan ito ng mga iregularidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?