25
views
fertilizer

Mag-inang Petilla, kinasuhan ng graft kaugnay ng fertilizer scam

Sharing is caring!

Sinampahan na ng kasong may kaugnayan sa katiwalian si dating Energy Secretary Carlos Jericho Petilla at ina nitong si Palo Mayor Remedios Petilla.

Ayon sa ulat, kaugnay umano ang graft case na isinampa sa Sandiganbayan laban sa mag-ina sa 2004 fertilizer fund scam, noong gobernador pa ang dalawa sa Leyte province.

Ang Office of the Ombudsman umano ang siyang nag-file ng kaso sa mag-ina noong Abril 6.

Inakusahan sina Jericho at Remedios, kasama ang iba pang respondents ng paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act No. 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Bumili umano kasi ang mga naturang opisyal ng 350 gallons ng Florida Green Liquid Fertilizer sa halagang P5,000 kada galon at nagbayad ng kabuuang P3,131,818.18 habang ang totoong total price nito ay mas mababa na P1,686,363.64.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?