18

Oct 5, 2021 @ 11:30
By

Mag-inang partners in crime timbog sa Zambales

Arestado ang isang mag-ina dahil umano sa pagbebenta nila ng shabu sa mga mangingisda sa Zambales.

Kinilala ang kelot na si Rico Nipay samantalang hindi na tinukoy pa ang ermat nito.

Batay sa ulat ng 24 Oras nitong Linggo, kasama si Nipay sa drugs watchlist ng Police Regional Office 3.

Ani Police Colonel Romano Cardiño ng Zambales provincial office, ginagamit ng kelot ang kanyang bangka para makapagbenta ng shabu sa mga mangingisda.

“Ang mangingisda sa area ng Zambales sa kanila umaangkat ng droga,” ani Cardiño.

Nasamsam naman sa mga suspek ang 37 sachet ng hinihanalang shabu.

Kasalukuyang inihahanda na ang reklamong isasampa sa dalawa. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?