240
May-ari ng car shop arestado sa pagnanakaw ng sasakyan
May 6, 2021 @ 15:22
By

Mag-inang nagpapakalat ng sex videos, tiklo

Arestado ang mag-ina ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos ireklamo ng isang babae ng pangha-hack ng kanyang Facebook account at pagpapakalat ng kanyang sex videos.

Kinilala ang mga suspek bilang sina Maricar Sena at anak nitong Jingky Joy Sena.

Ayon sa pahayag ng NBI, ang mag-ina ay naaresto noon pang Abril 28 habang nasa akto ng pagkuha ng pinadalang pera ng biktima sa isang branch ng Palawan Express sa Maynila.

Ayon sa biktima, ang pera ay kanyang pinadala sa mga suspek dahil ito umano ang hiningi sa kanya kapalit ng pagtigil sa pagpapakalat ng kanyang mga sex videos.

Ang mga sex videos umano ng biktima ay nakuha ng mga suspek sa pamamagitan ng pag-hack sa kanyang Facebook account. Pinakalat rin ng mag-ina ang mga video sa iba pang kaibigan ng biktima sa kanyang social media account.

Dagdag pa ng biktima, nauna na siyang nagpadala ng pera sa mga suspek noong Abril 9 at 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?