ABANTE janella jenine away magina
By

Mag-inang Janella-Jenine malala ang away

Sharing is caring!

ISA si Janella Salvador sa masaya at naluluha pa sa wedding nina Maxene Magalona at Robby Mananquil na ginanap sa Shangrila Boracay kamakailan. Naging close na si Janella sa pamilya ni Elmo at happy raw siya dahil ramdam niyang part na siya ng pamilya.

“I’m so glad to be part of them,” nakangiting sabi ni Janella.

Puring-puri niya si Pia Magalona sa pagiging supportive sa mga anak.

“Nakita ko kung gaano sila ka-supportive talaga. Nakita ko kay Tita Pia na kung ano ‘yung ikasasaya ng anak niya, doon talaga siya. She’s supportive talaga, and she guides them kahit gaano sila karami, ‘di ba?” say pa niya.

Pagdating naman sa mommy ni Janella na si Jenine Desiderio, maingat ang sagot ng Kapamilya young actress. Ayaw na lang niyang pag-usapan pa ang mga itini-tweet nito nu’ng nakaraang Pasko, na tila nagagalit sa pagsama ni Janella kay Elmo sa kanilang family reunion.

Ipinaalam naman daw yon ni Janella sa family members kung type nilang pakantahin si Elmo sa kanilang reunion.

At sabi na lang ng bida ng My Fairy Tail Love Story: “I’d rather not to talk about it, kasi I don’t want to make a big issue about it.

“Basta, I want to tell everyone na sana…I know what my Mom did was not private, but for me, respect na lang ‘yung privacy namin.”

Okay na ba silang mag-ina?

“We’re resolving things…hopefully at the right time I know we’ll be okay. ‘Yun lang ang masasabi ko,” safe niyang pahayag.

Sana nga ma-resolve nilang mag-ina ang kanilang isyu bago magsimula ang promo ng pelikula nilang My Fairy Tail Love Story na pang-Valentine’s Day offering ng Regal Multimedia. (Gorgy Rula)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?