22

Oct 19, 2021 @ 20:38
By

Mag-ina tandem sa pagtutulak ng droga

Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency at Northern Police District ang isang ginang at kanyang anak sa ikinasang drug bust sa Caloocan City.

Ayon sa ulat, P340,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa mag-ina sa operasyon sa Camarin kahapon, Oktubre 18.

Kinilala ang mga suspek na sina Omaima Malaco, 39, at Hakhim Malaco, 18.

Nasa kustodiya na ng PDEA ang mag-ina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?