10

Oct 30, 2020 @ 14:04
By

Mag-ina sabay na nalunod sa ilog

Narekober na ang katawan ng mag-ina na nalunod sa isang ilog sa Barangay Limo-ok, Lamitan, Basilan noong Oktubre 29.

Tumulong sa pagrekober sa mga katawan nila ang Philippine Coast Guard (PCG).

Base sa imbestigasyon, nagpunta ng ilog si Lyn Mallari kasama ang 1 taong gulang niyang anak para maligo nang hindi inaasahang lumakas ang alon dahilan ng kanilang pagkalunod.

Narekober ang katawan ng ina ilang sandali matapos ang insidente habang alas-otso ng umaga nitong October 30 natagpuan ang katawan ng kaniyang anak.

Pinangalagaan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Lamitan City ang mga katawan ng mag-ina habang patuloy ang koordinasyon sa kanilang pamilya.

 

 

https://www.facebook.com/coastguardph/posts/634059677262690
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?