34

Jun 21, 2021 @ 19:02
By

Mag-ina pinagtataga, dalagita patay

Pinagtataga ng isang lalaki ang kanyang live-in partner at ang anak nitong dalaga nitong Linggo ng gabi sa Barangay Mianay, Sigma, Capiz.

Nasawi sa insidente ang 16-anyos na dalagitang kinilala bilang si Gee Dee Bless Avelino, habang sugatan ang kanyang ina na si Adalia, 59 anyos.

Ayon sa awtoridad, nagaway si Adalia at ang suspek kaya naman umalis muna ang mag-ina sa kanilang tahanan.

Ngunit sinundan umano sila ng suspek na nagdala ng itak at sila’y pinagtataga.

Agad ding tumakas ang suspek matapos ang pangyayari. Lasing rin umano ito.

Sinugod ang mag-ina sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ang dalagita.

Hinahanap na ng mga pulis ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?