269

Apr 28, 2021 @ 10:16

Mag-ina dedo sa sunog

Nasawi ang isang mag-ina sa sunog sa Sta. Cruz, Maynila ngayong Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Abante reporter Jonas Sulit, na-trap sina Precious De Leon at Frencelyn Batol De Leon sa kanilang nagliliyab na bahay sa Elias Street, Barangay 352.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na inaalam pa ang pinagmulan.

Samantala, sugatan naman ang isa pang indibidwal sa nasabing apoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,