57

By

Mag-ex na Yoona at Seung Gi hindi pa nagkikita

Sharing is caring!

Kahit halatang kinakabahan, marami ang nakapansin sa pagiging intelihente pa rin nito at witty dahilan para makitang tumatawa at pumapalakpak sa kanya ang mga tao, lalo na ang Korean stars habang nagsasalita siya.

Pinuri rin si Lee Seung Gi nang sabihin niyang ang ginawa lang din naman niya ay katulad ng ginagawa ng ibang lalaki sa South Korea, to successfully complete military service. Sa ngayon kasi, tila siya pa lamang ang naka-accomplish sa male celebrities ng ginawa niya sa loob ng camp. Na maging sa article na lumabas kay Rep. Shin Ingyun ng Korea Self Defense Network, kinukonsider nito na maging role model si Seung Gi for serving MS sa kabila raw ng pagiging Superstar nito.

Sa speech pa rin ni Seung Gi, sinabi niyang habang nanonood siya sa living quarters ng army camp, na-realized niya lalo na ang totoong profession niya ay bilang isang entertainer at nangakong he will even work harder.

Aniya, “I will work even harder to meet your expectations with a good projects as much as you’ve shown interest and cheered for me. Please watch over me and cheer me on.”

Tila nagsilbing talk show naman nang pagkatapos magpasalamat at pababa na sana ng stage si Lee Seung Gi ay tanungin siya ng sunod-sunod ng emcee na si Leeteuk. Curious daw kasi ito katulad ng iba kung bakit tingin nila, ang tagal niya sa camp, ganun din daw ba ang naramdaman ng Hallyu star.

Nagulat naman si Seung Gi na tila nagkaroon ng Q&A kaya sinigurado pa nito ang emcee kung kailangan ba niyang sagutin na ang tanong. Ayon dito, “I’m so nervous right now, I don’t know how to respond.”

Dito nga nilinaw at itinanggi niya ang mga lumabas na isyu habang nasa camp siya na hindi na raw siya lalabas at pumayag na siyang magpa-deploy. Sa naging sagot niya, mas maraming netizens ang humanga rito dahil sa pagiging humble pa rin.

Marami naman ang nag-abang kung magkikita, magkakatabi o magbabatian daw kaya sa naturang awards night ang mag-ex na sina Seung Gi at Yoona, pero dahil bumalik din ng taping ng comeback drama niyang Hwayugi si Lee Seung Gi pagkatapos ng red carpet at muling bumalik sa awards night para sa final gap kung saan tumanggap nga siya ng award, tila hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkita sila.

Sa ngayon, kahit dalawang Linggo pa lamang simula nang lumabas siya sa military camp, walang duda na tinutupad nito ang pangako niya sa mga Airen fans na he will work hard and he’ll be seen more often hanggang sa ang mga fans na raw niya ang baka magsawa sa kanya.

Bukod sa pagsu-shoot ng bago niyang endorsement, siya ang cover ng @star1 magazine na lalabas ngayong November 20 at nagsimula na rin siya ng taping ng Hwayugi kasama sina Cha Seung-won at Oh Yeon-seo. Magpa-pilot sa December 23 at 24, Saturday & Sunday 9:00 p.m. (KST) sa tvN. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?