30

Oct 8, 2017 @ 14:08

Mag-Christmas shopping ng maaga – MMDA

Ito ang pakiusap ni Metro Manila Developmeny Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim sa publiko matapos pumayag ang shopping malls na iurong ang kanilang pagbubukas ngunit pinagabi ang pagsasara.

“Let’s enjoy the coming holidays and at the same time, konting tiis. Kailangan natin ang kooperasyon ng lahat, ng mall owners at operators at ng publiko. Planuhin ang biyahe ngayong Kapaskuhan,” pahayag ni Lim.

Ngunit kadalasan ang ‘Christmas bonus’  at  ‘13th month pay ay ibinibigay simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 15.

Noong nakaraang Biyernes, nakipagpulong si MMDA Asst. Gen. Manager for Planning Jojo Garcia sa mga mall operators at napagkasunduan na magbubukas sila ng alas-11 ng umaga  at magsasara ng alas-11 ng gabi.

Ang pansamantalang mall operating hours ay magsisimula sa darating na Oktubre 15 hanggang sa January 15 ng susunod na taon.

Sinabi pa ni Garcia na ang mga delivery sa mall ay gagawin alas-11 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga.

Gayunman aniya hindi nito sakop ang pag-deliver ng ‘perishable goods.’

Sinabi naman ng mall operators na mas makakabuti sa kanilang negosyo ang bago nilang operating hours. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?