114

Jun 1, 2018 @ 3:08
By

‘Mag-bespren’ todas sa pamamaril sa Taguig

Dalawang lalaki ang namatay matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa Taguig Biyernes ng gabi.

Nakabulagta pa ang mga biktimang sina Rodel Dizon at Arkam Ramos Seguna nang abutan ng mga Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa Snake Road, Pulong Kendi, Taguig.

Nabatid na magkaibigan at madalas na magkasama ang mga biktima.

Sa Kuwentong ng mga residente sa lugar, naririnig nilang nagkukuwentuhan ang magkaibigan nang may dumating na naka-motorsiklo.

Nabulabog ang mga residente nang makarinig sila ng anim na putok ng baril.

Iniimbestigahan na ng Taguig Police ang nasabing pamamaril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?