51

By

Mag-ate huli sa P680K shabu sa Mandaluyong

Kulungan ang bagsak ng magkapatid matapos makuhanan ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 sa ikinasang buy-bust operation, Sabado ng gabi, sa Barangay Highway Hills, Mandaluyong City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang mga suspek na sina Jhanin Ericah Raga, 21 anyos at Edonah Calderon, 25 anyos, kapwa residente ng nasabing barangay.

Inaresto ang mag-ate bandang alas-8:30 ng gabi sa Mariveles St., Barangay Highway Hills, matapos magsagawa ng buy-bust operation ang Mandaluyong City Police kaugnay sa pagtutulak ng droga ng dalawa.

Matapos umano ang isang linggong surveillance, inaresto nina PCpl. Jonathan John Baeza at PSSg. Danilo A Patoc, ng station drug enforcement unit ng Mandaluyong City Police Station ang dalawang target na suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang nasa 100 gramo ng shabu na may street value na P680,000 at P2,000 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawa sa Mandaluyong detention cell at kapwa nahaharap sa kasong paglabag RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?