34
ABANTE tulak arrested jail drug pusher
Oct 27, 2019 @ 13:58
By

Mag-asawang tulak, nalambat sa North Cotabato

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mag-asawang kinikilalang big-time tulak ng shabu matapos malambat sa kinasang drug operation at makuhahan ng umaabot sa P1.2 milyong halaga ng shabu at cash, Biyernes ng madaling-araw sa Carmen, North Cotabato.

Kinilala ni Brigadier Gen. Alfred Sotto Corpus, hepe ng Police Regional Office-12, ang mag-asawa na sina Jomar at Noraisa Sampulna, residente ng Sitio Galay, Baranga Kibayao, Carmen.

Hinain sa mag-asawa ang dalang search warrant ng mga tauhan ng Carmen police, Philippine Drug Enforcement Agency – Cotabato Province, Army’s 602nd Brigade at 4th Special Action Battalion bandang alas-4, Biyernes ng madaling-araw sa kanilang tahanan.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 175 gramo ng shabu na may street value na P1,190,000 at P27,700 cash.

Nabatid na matagal nang mino-monitor ang kilos ng mag-asawa na kapwa kasama sa listahan ng PDEA watch list

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?