74
ABANTE wilma benito tiamzon
Jan 18, 2018 @ 20:22
By

Mag-asawang Tiamzon, tinutugis na ng PNP

Ipapatupad na ng Philippine National Police (PNP) ang kautusan ng korte na muling arestuhin ang mag-asawang sina Wilma at Benito Tiamzon at kanilang kapwa akusado na si Adelberto Silva, mga National Democratic Front (NDF) consultant.

Sinabi ni PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, ang Criminal Investigation and Detection Group ang mangunguna sa pag-aresto sa mga ito.

Ngunit nilinaw ni Carlos na hindi lang CIDG ang maaaring humuli sa mga pinaaarestong NDF consultants, kundi lahat ng miyembro ng PNP.

Aniya, lahat ng unit ng PNP ay bibigyan ng kopya ng warrant of arrest para may basehan ang kanilang gagawing pag-aresto.

Magugunitang ang mag-asawang Tiamzon ay pansamantalang nakalaya noong Agosto 2016 nang isagawa ang pagbabalik ng usapang pangkapayapaan noon sa pagitan ng pamahalaan at NDF. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?