64

Nov 30, 2020 @ 21:28
By

Mag-asawang Tiamzon pinapahanting ni Año

Ipinag-utos ni Interior Secretary Eduardo Año sa Philippine National Police na paigtingin ang manhunt operation laban sa mga convicted communist leader na sina Benito at Wilma Tiamzon.

Ito’y matapos lumabas sa mga intelligence report na nasa bansa pa ang mag-asawa.

“I have instructed the PNP to intensify the manhunt for these communist terrorists so they can serve the sentence imposed by the court,” pahayag ni Año nitong Lunes.

Noong Biyernes, hinatulan ng Quezon City court ng 40 taong pagkakakulong ang mag-asawang Tiamzon kaugnay sa pagdukot sa apat na lieutenant ng Army noong 1988.

Tiwala si Año na babagsak din sa kulungan ang mag-asawang Tiamzon.

“They cannot run and hide forever. Sooner or later, matitimbog din sila ulit at haharapin ang mga kasalanan nila sa ating bayan. I am confident that we will see them behind bars soon,” wika ng DILG chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?