136

May 13, 2021 @ 16:15
By

Mag-asawang Sison, 17 pang opisyal ng CPP pormal nang binansagang terorista

Pormal nang binansagang terorista ang may 19 indibiduwal kabilang ang founder ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria “Joma” Sison at asawa na si Julieta.

Nilagdaan ang resolusyon nina Anti-Terrorism Council (ATC) Chairperson Salvador Medialdea at ATC Vice Chairperson Hermogenes Esperon noong Abril 20 at isinapubliko sa pahayagan ngayong Huwebes, Mayo 13.

Maliban sa mag-asawang Sison, kabilang din sa binansagang terorista sina National Democratic Front of the Philippines peace consultants Benito Tiamzon, Wilma Tiamzon, Rafael Baylosis, Vicente Ladlad at 13 pang mga sinasabing miyembro ng Central Committee ng CPP.

Nilabag umano ng mga ito ang Sections 6, 7, 8, 9 at 10 ng Anti-Terrorism Act.

“Based on verified and validated information, the ATC found probable cause, as defined in the Anti-Terrorism Act, warranting the designation of the following central committee members of the CPP… for planning, preparing, facilitating, conspiring, and inciting the commission of terrorism and recruitment to and membership in a terrorist organization or a group organized for the purpose of engaging in terrorism,” saad sa resolusyon.

Sa ilalim ng resolusyon, inaatasan ang Anti-Money Laundering Council na i-freeze ang assets ng 19 na binansagang terorista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?