1,055

By

Mag-asawang Pinoy nalunod sa honeymoon sa Maldives

Trahedya ang sinapit ng masaya sanang honeymoon ng mag-asawang Filipino nang malunod ang mga ito sa Maldives.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagbakasyon sa isang resort sa Dhiffushi Island ang 29-anyos na babaeng biktima na si Erika Joyce  at 30-anyos niyang mister na si Leomer Lagradilla nang mag-snorkeling at nalunod sila noong Linggo.

Kapwa na-rescue ang katawan ng dalawa pero idineklarang dead upon arrival sa isang lokal na ospital.

Tubong Laguna ang mga biktima at kapwa umano nurse.

Ikinasal sila noong Disyembre 18, 2018.

Lumipad sila pa-Maldives para mag-honeymoon nitong Enero 9.

Siniguro naman ng DFA na tutulong sila sa repatriation sa mga labi ng mga biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?