17
abante-tnt-vismin-michelle-barack-obama

Mag-asawang Obama, sasabak na sa pagpo-produce ng shows

Sharing is caring!

Wala pang tiyak kung anong uri ng shows ang gagawin nila, pero kasado na ang pagpasok nina Barack at Michelle Obama sa larangan ng telebisyon.

Nagtatag na umano ang mag-asawang Obama ng sarili nilang production company na Higher Ground Productions para sa negosyo.

At nitong Lunes ay pumirma na sila ng multi-year deal sa Netflix.

Ayon sa Netflix, mukhang iba-ibang shows gustong gawin ng Obamas kabilang na ang scripted at unscripted series, documentaries o features.

“Barack and I have always believed in the power of storytelling to inspire us, to make us think differently about the world around us, and to help us open our minds and hearts to others,” ani Michelle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?