358

May 17, 2019 @ 15:07
By

Mag-asawang kandidato humirit ng ‘recount’ vs Vilma Santos-Recto, kaalyado

Naghain ng petisyon para sa manual recount ang mag-asawang sina outgoing Lipa City, Batangas Mayor Meynard Sabili at Bernadette matapos iproklama sina Lipa Rep. Vilma Santos-Recto at dating vice mayor Eric Africa na mga nanalo sa May 13 elections.

Si Meynard ang nakalaban ni Recto sa congressional race pero kinapos ito ng 34,928 votes habang si Bernadette ay tumaob din kay Africa sa mayoral race ng 1,598 votes.

Depensa ni Meynard, may problema umano ang mga vote-counting machine (VCM) kung saan hindi lumabas sa voter’s receipts ang pangalan niya at kaniyang asawa.

Sa pahayag naman ni Bernadette sa kaniyang Facebook account, nanawagan ito ng recount sa tatlong VCM at kung magtugma umano ang resulta ay magko-concede siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?