87

Sep 29, 2017 @ 17:26

Mag-asawang illegal recruiter, timbog sa CIDG

Arestado ang magasawang wanted matapos ang ikinasang operasyon ng mga tauhan ng CIDG Anti-Transnarional Crime Unit sa Marilao Bulacan.

Kinilala ang magasawang naaresto na sina Luz Quiambao at Jeffrey Quiambao parehong nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8042 o itong Illegal Recruitment in large scale committed by a syndicate.

Ayon kay Sr.Supt. Roque Merdeguia, ang hepe ng PNP CIDG ATCU, alas-4:35 ng hapon kamakalawa ng maaresto ang dalawa sa kanilang bahay sa Florida Village, Brgy Loma De Gato, Marilao, Bulacan.

Nakatanggap aniya sila ng impormasyon na nagtatago lamang ang mag asawa sa kanilang bahay kaya agad nilang ikinasa ang manhunt operation bitbit ang warrant of arrest na inisyu ng Valuenzela City Regional Trial Court.

Hindi na nagawa pang manlaban ng dalawa matapos arestuhin ng mga pulis.

Dumagsa naman ang mga nagrereklamo laban sa mga wanted karamihan sa mga ito hiningian nila ng malaki halaga ng pera kapalit umano ng mabilisang Japan visa at trabaho sa Japan bilang Factory at hotel workers.

Lumalabas sa imbestigasyon na walang kaukulang permiso mula sa POEA ang dalawa na magrecruit ng empleyado papuntang ibang bansa.

Hinikayat naman ng PNP-CIDG-ATCU ang mga iba pang nabiktima ng dalawa na lumantad at magreklamo. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?