22

Jan 28, 2021 @ 14:15
By

Mag-asawang Daez feeling Rose, Jack ng Titanic

Mag-asawang Daez feeling Rose, Jack ng Titanic

Feeling Rose at Jack ng Titanic ang Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez sa kanilang getaway sa Boracay.

Sa ibinahaging Instagram video ni Daez, makikita ang dalawa sa gitna ng dagat na nakasakay sa isang paddle board.

Habang kumukuha ng video ang aktor, bigla na lamang tumaob ang sinasakyan nilang board.


“So this is the truth behind our vlogs and snazzy photos,” ani Daez sa caption ng video.

“Two water monkeys hanging around the middle of the ocean on a chunk of plastic while trying to recreate epic movie scenes. But really, hindi kami makatayo at the same time. And that one lucky moment that we did, I made the most out of it,” dagdag pa niya.

Maririnig rin sa naturang video na sinambit ng aktor na ‘na-Titanic’ sila ng misis.

“We fell! Na-Titanic kami!” sambit ng aktor.

“Bonez, ako si Rose! Goodbye!” pabiro pang hirit nito.

Matatandaang umalis na ng kanilang condo sa Metro Manila ang dalawa upang manirahan na sa Subic bilang mag-asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?