99
Mag-asawang Briton, Pinay nasagip na sa Sulu - militar
Nov 25, 2019 @ 14:44

Mag-asawang Briton, Pinay nasagip na sa Sulu – militar

Kinumpirma ng mga sundalo na nasagip na ang British national at asawang Pinay na nadakip sa isang resort sa Zamboanga del Sur.

Nitong alas-7:45 ng umaga, Nobyembre 25, naligtas sina Allan at Wilma Hyrons sa Parang, Sulu, ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Wesmincom Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana.

Pinalaya umano ang mag-asawa matapos ang sagupaan ng militar laban sa Abu Sayyaf Group sa Mt. Piahan sa Parang, ayon kay commander Major General Corleto Vinluan ng nasabing lalawigan.

Oktubre 4 ng gabi nang dakpin ang dalawa sa kanilang beach resort sa Tukuran, Zamboanga del Sur.

Una nang nag-anunsiyo ng P1 milyong bounty ang provincial government ng Zamboanga del Sur para sa sinumang makapagbibigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa mag-asawa at mga kidnapper.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?