79
Abante-TnT-sunog
By

Mag-asawa todas sa sunog sa Cebu

Patay ang mag-asawa matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Sitio Ponce 2, Barangay Carreta, Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, na-trap sa loob ng nasusunog na bahay si Nicasio Orcullo, 62, at asawang si Prosefina Orcullo, 57.

Alas-kuwatro ng madaling-araw nang itaas ang ikatlong alarma sa sunog.

Aabot umano sa P900,000 ang danyos sa sunog habang may 50 bahay ang natupok ng apoy.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ano ang sanhi ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?