42
arrested

Mag-asawa, pinagtatalik habang kinukunan ng video ang 2 anak

Sharing is caring!

Nakatikim ng sermon mula kay NCRPO chief Director General Guillermo Eleazar ang mag-asawang naaresto dahil sa pangbubugaw nito sa dalawang menor de edad na anak sa Taguig.

Sa ulat ng ABS-CBN News, sumingaw ang ginagawang kalaswaan ng mag-asawa nang magsumbong ang ilang concerned citizen hinggil sa pangbubugaw ng mga suspek sa kanilang mga anak.

Nasa P1,200 umano ang ibinabayad sa mag-asawa ng foreigner para sa malaswang video ng kanilang dalawang anak na edad 13 at 15.

Sinalakay ng Taguig police ang bahay ng mag-asawa kung saan nakita ang mga ebidensiya na bukod sa malalaswang larawan ng mga anak ay may video pa na nagtatalik mismo ang magkapatid.

Mayroon pa umanong video kung saan ang babaeng suspek mismo ang nakikipagtalik sa 13-anyos niyang anak na lalaki.

Kuwento ng babaeng suspek, sinusustentuhan sila ng P1,200 ng Amerikano para gawin ang naturang malalaswang videos.

Sinermunan ang suspek ni Eleazar nang mangatwiran na dahil sa kanilang ginagawa ay napag-aaral nila ang mga anak.

Depensa naman ng mister, wala raw siyang kaalam-alam sa mga nangyayari dahil maghapon umano siyang wala sa bahay at nasa trabaho.

Samantala, ilalagay sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang magkapatid habang haharapin ng mag-asawa ang kasong anti-child pornography, anti-child abuse, anti-trafficking in persons at rape in relation to anti-cybercrime law, pati na ang banyagang parokyano nito. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?