59

Dec 18, 2017 @ 11:42
By

Mag-asawa natabunan ng lupa sa Romblon

Patay ang mag-asawa sa San Fernando, Romblon makaraang matabunan ng lupa ang kanilang bahay sa kasagsagan ng bagyong Urduja.

Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Supt Imelda Tolentino alas 11:00 ng gabi ng noong Disyembre 16, nang biglang magka-lanslide sa lugar ng mag-asawa dulot ng walang tigil na pag-ulan kaya natabunan sila ng gumuhong lupa.

Kinilala ang mga natabunan ng lupa na sina Matilde Romero at Masolinie Romero, parehong 60 na taong gulang residente ng Brgy Mabini San Fernando Romblon.

Sinabi pa ni Tolentino na mismong ang Brgy Captain ng Brgy. Mabini na si Jessie Roda ang nag-report ng insidente.

Agad namang rumepsonde ang mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station.

Tumulong rin ang mga taga Local Disaster Risk Reduction and Management Office sa retrieval operations. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?