9

Jan 14, 2021 @ 15:46
By

Mag-asawa kaloboso sa buy bust operation

Arestado ang mag-asawa matapos mahulihan ng hinihinalang ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridasd sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang mga inaresto bilang sina Agapito at Betsie Gomez.

Ayon sa ulat, nangunguna ang dalawa sa arget ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nasamsam sa dalawa ang 11 sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Hindi na nagpaunlak pa ng panayam ang mag-aswa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?