94

Mag-asawa, anak sinunog ng Maute sa Marawi

Sharing is caring!

Sinilaban ng pinaghihinalaang miyembro ng Maute ang mag-asawa at isa nilang anak sa Marawi City noong Biyernes.

Ayon sa report ng Balitanghali ng GMA7, nakilala ang mag-asawa na sina Pisengayo Untawar at Kalid Ditingki at 17 anyos nilang anak na babae na si Norhidaya.

Sabi ni Superintendent Ibra Moxsir, Marawi City Police chief, agawan sa lupa ang sinasabing dahilan ng pag-atake sa mga biktima.

Nailigtas naman ng mga rumesponding pulis at sundalo ang pitong iba pang anak ng mag-asawa.

Nadakip ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek sa isang follow-up operation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }