834
2 barangay sa QC, magkasunod na nasunog
By

Mag-asawa, anak natusta sa 3-oras na sunog

Sunog na nang marekober ng mga bombero ang mag-asawa at 2-anyos nilang anak na lalaki nang tupukin ng apoy ang isang tindahan sa kahabaan ng Rizal Avenue, Barangay West Bajac-Bajac, Olongapo City nitong Miyerkoles ng madaling-araw.

Ang mag-asawa ay kinilalang sina Mariano at Aira Panganiban at Ricardo naman ang kanilang anak na natagpuang magkakayakap sa ikaapat na palapag ng tindahan ng mga piyesa ng sasakyan na kanilang tinutuluyan.

Tinatayang aabot sa humigit-kumulang sa P50 milyong halaga ng mga piyesa ng mga sasakyan ang natupok kabilang na ang pinsala na idinulot ng sunog sa gusali na pagmamay-ari ni Florencio Cureg.

Sa impormasyon na ibinigay ni City Fire Marshall Chief Inspector Arvin Christian Santos nagsimula ang sunog bandang alas-singko ng madaling-araw, Nobyembre 13 sa unang palapag ng gusali at mabilis na umakyat sa ikaapat na palapag kung saan naroroon ang mga biktima.

Posible umanong hindi na nagawang makababa pa ng mga biktima dahil sa apoy na nagmumula sa ibaba at wala rin umanong fire exit ang nasabing palapag na napapalibutan ng terrace grill.

Hindi naman naging madali para sa mga bombero ang pagpatay sa sunog dahil na rin sa ilang mga kagamitan na nasa gusali katulad ng langis at mga gulong ng sasakyan kaya lalo pang lumaki ang apoy, dumagdag pa umano ang makipot na daanan sa mga palapag ng gusali.

Makalipas ang mahigit tatlong oras ay idineklara nang fire under control ng mga awtoridad ang naturang sunog.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente sa pinagmulan ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?