37
ABANTE TNT quezon city bitag dakip
By

Mag-asawa, 6 pang tulak nabitag sa QC

Sharing is caring!

Dinakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang mag-asawa at anim na iba pa, sa isinagawang magkakasunod na buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Chief. Supt. Guillermo Eleazar ang mag-asawa na sina Ariel De Guzman, 52-anyos, at Rodora De Guzman, 50, residente ng Brgy. Sta Monica, Novaliches.

Nadakip ang mag-asawa dakong ala-6:00 ng gabi sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Sta Monica police sa Novaliches, Quezon City at nakumpiska mula sa kanila ang 11 sachets ng shabu.

Nadakip din sina Ronald Buenaventura, 38-anyos, ng Brgy. Longos, Malabon City; Sarah Baldon, 22; Arvin Salandanan, 18; Kevin Peralta, 22; Sharif Sanan, 57 at Richard Delos Santos, 27.

Nadakip ang mga suspek sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa iba’t-ibang lugar sa Quezon City at nakumpiska mula sa kanila ang tinatayang nasa 200,000 halaga ng droga at iba’t-ibang drug paraphernalia.

Ayon kay Gen. Eleazar, lagi niyang sinasabi sa kanyang mga tauhan na hindi sila titigil hanggat may natitirang nagtutulak ng droga sa Quezon City.

“Ipagpatuloy natin at kung maaari ay dagdagan pa ang ating dedikasyon sa sinumpaan nating pagsilbi at pagprotekta sa mga mamamayan ng Lungsod Quezon laban sa ano mang krimen lalo na sa iligal na droga” sabi ni Eleazar.

Sa ngayon ay nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165, (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }