101

By

Mag-amo inambus, panalo sa sabong ninakaw

Sharing is caring!

Pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek na sakay ng motorsiklo ang isang mag-amo sa Meycauayan City, Bulacan, Miyerkoles ng madaling-araw.

Ayon sa report, natagpuan ang bangkay ng mga biktima na hindi muna pinangalanan sa loob ng puting Toyota Vios dakong alas-dos ng madaling-araw.

Galing umano sa sabungan ang mag-amo nang tambangan ng mga de-motorsiklong suspek sa McArthur Highway.

Nawawala umano ang bag na may lamang pera na napanalunan ng mga biktima sa isang sabungan sa Marilao, Bulacan.

Pagnanakaw ang sinisilip na anggulo dahil sa nawawalang pera ng mga biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?