145

Nov 1, 2018 @ 14:47
By

Mag-amang tulak, 3 pa nasakote sa droga

Kulungan ang bagsak ng mag-amang tulak kasama ang tatlong parokyano nito sa ikinasang drug buy-bust operations.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang mga suspek na sina Christopher Dioquino, 21-anyos at amang si Roberto Dioquino, 59-anyos; Jose Archimedes Petilla, 54-anyos; Roberto Bedural, 29-anyos, pawang mga residente ng Barangay Parang, Marikina City at John Lenon Fabon, 22-anyos at residente naman ng San Mateo, Rizal.

Naganap ang buy-bust bandang alas-12:30 kahapon ng madaling-araw sa 138 P. Paterno St., Barangay Parang, makaraang makatanggap ng tip mula sa isang impormante na may magaganap na bentahan ng droga sa kanilang lugar na kinasasangkutan ni Christopher Dioquino.

Isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer ang nakipagtransaksyon sa mag-amang Dioquino at nang ibibigay na ang droga ay doon na nagbigay ng hudyat ang pulis para hulihin ang mag-ama na nagkataon pa at may ka transaksyon din ang mga ito na tatlong buyer kaya sabay savay silang nalambat.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang walong sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang P10,000.00 at P500 ginamit bilang buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?