980

Dec 26, 2018 @ 17:33
By

Mag-amang opisyal sa Iloilo, kakasuhan sa pambubugbog ng pulis

Haharap sa asunto ang dalawang opisyal na sina Guimbal, Iloilo Mayor Oscar Garin at Iloilo First District Rep. Richard Garin dahil sa pambubugbog umano ng isang police officer sa kanilang bayan nitong Miyerkoles ng madaling-araw.

Mismong Philippine National Police Region 6 ang magsasampa ng kaso kontra sa dalawa matapos umanong disarmahan, iposas at bugbugin si PO3 Federico Macaya sa public plaza ng Guimbal.

Ayon kay PRO 6 Director C/Supt John Bulalacao, sila’y maghahain ng reklamong physical injury, direct assault at alarm and scandal laban sa dalawa.

Maging ang police chief ng Guimbal ay tinanggal din sa pwesto ni Bulalacao dahil hindi umano nito natulungan ang nabugbog umanong pulis.

Kanya ring hihilingin sa DILG na tanggalan ng kontrol ang mag-ama sa pulisya sa Guimbal, Iloilo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?