156

By

Mag-amang mayor, vice mayor sa La Union, pinagbabaril

Sharing is caring!

Tinambangan ang alkalde at bise-alkalde ng Balaoan, La Union nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa report, papunta umano ang mag-amang sina Mayor Aleli Concepcion at kanyang ama na si Vice Mayor Alfred Concepcion sa munisipyo sakay ng kotse nang maganap ang pamamaril sa Luna Road sa Barangay Kabuwaan.

Bandang alas-otso pasado naganap ang insidente at ayon sa report ng dzMM, dead-on-arrival ang isang escort ng dalawang politiko.

Samantala, naisugod naman sa ospital ang dalawang biktima ngunit hindi pa rin tukoy kung ano ang kalagayan nila.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya, at tinitingnan pa ang motibo at pagkakakilanlan ng mga gunmen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?