46

By

Mag-amang Austin, Doc naghiwalay na ng landas

Sharing is caring!

Binuwag ng Los Angeles Clippers ang kauna-unahang father-and-son, coach-and-player tandem nang itapon si guard Austin Rivers, anak ng Clippers coach na si Doc Rivers, para kay center Marcin Gortat mula Washington Wizards.

Sumalang sa tatlong season ang 25-anyos na si Austin kasama ang kanyang tatay sa Clippers.

Hindi naging sapat ang 15.1 points, 4.0 assists and 1.2 steals career-high averages ni Rivers noong nakaraang season para makumbinsi ang Clippers na mukhang pagtutuunan ng pansin ang rookies na sina Shai-Gilgeous Alexander at Jerome Robinson na guard din ang posisyon.

“Acquiring Austin gives us another versatile, experienced player who provides scoring and playmaking,” saad ni Wizards general manager Ernie Grunfeld.

Ang nasabi ring trade ay hudyat na naghahanda na ang Clippers sa posibleng pag-alis ng kanilang prized center DeAndre Jordan sa free agency period. (Ray Mark Patriarca)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?