87
Habang natutulog, konsehal binaril sa Negros Occidental
By

Mag-ama pinagbabaril sa Ilocos, anak todas

Patay ang 37-anyos na lalaki habang inoobserbahan pa sa ospital ang kanyang amang barangay chairman matapos silang pagbabarilin ng isang motorcycle-riding na suspek sa bayan ng Jordan, Sinait, Ilocos Norte noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng Sinait Municipal Police Station (SMPS) ang namatay na si Edward Inofinada, 66, ng Calingayan, Sinait ng nasabing lalawigan.

Samantala, ayon sa SMPS, ang ama ng biktima na si barangay chairman Leonardo Inofinada ay kasalukuyang under observation sa Sto. Cristo Milagroso Hospital sa Sinait.

Sa inisyal na ulat, sinabi ng SMPS, nangyari ang insidente bandang alas-8:00 ng gabi, kasalukuyang binabagtas ng mga biktima ang national road gamit ang isang tricycle sa bayan ng Jordan nang biglang tumabi ang isang motorsiklo lulan ang hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon sa pulis, biglang pinagbabaril ng suspek ang mga biktima sanhi upang bumangga ang tricycle sa gilid ng kalsada.

Agad na namatay si Edward dahil sa tama ng .45 pistol sa kanyang ulo at dibdib habang ang kanyang ama ay sinugod sa ospital.

Agad na tumakas ang suspek pagkatapos ang pamamaril.

Nakarekober ng apat na basyo ng .45 pistol sa crime scene at nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?