54

Oct 13, 2017 @ 17:26

Mag-ama niratrat sa Patikul, Sulu

Patay ang limang taong gulang na batang babae habang sugatan ang kanyang ama matapos ang pagbabarilin ang kanilang bahay ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Patikul, Sulu.

Kinilala ang nasawing bata na si Tadzmahal Hadjail; 5 anyos habang ang sugatang ama nito ay si Hajal Hadjail 28 anyos na nakatira sa Dan Puti Barangay Latih Patikul, Sulu.

Batay sa ulat ng militar, alas -9:30 ng gabi kamakailan  ng pagbabarilin ng tatlong armadong kalalakihan ang bahay ng mag-ama.

Dahil dito,  nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang kanang hita si Hajal habang tinamaan sa ulo ang batang si Tadzmahal na kanyang ikinasawi

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga salarin at motibo sa pamamaslang. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,